Constitution of the Republic of the Philippines 1987
Status of International Law
  • English
    The Philippines renounces war as an instrument of national policy, adopts the generally accepted principles of international law as part of the law of the land and adheres to the policy of peace, equality, justice, freedom, cooperation, and amity with all nations. (Art. II, Sec. 2)
  • Filipino
    Itinatakwil ng Pilipinas ang digmaan bilang kasangkapan ng patakarang pambansa, tinatanggap bilang bahagi ng batas ng bansa ang mga simulain ng batas internasyonal na kinikilala ng lahat at umaayon sa patakaran ng kapayapaan, pagkakapantay-pantay, katarungan, kalayaan, pakikipagtulungan, at pakikipagkaibigan sa lahat ng mga bansa. (Art II, Seksyon 2)
Status of International Law
  • English


    (2) All cases involving the constitutionality of a treaty, international or executive agreement, or law, which shall be heard by the Supreme Court en banc,
    ... (Art. VIII, Sec. 4)

  • Filipino


    (2) Ang lahat ng mga usaping may kinalaman sa konstitusyonaliti ng ano mang kasunduang-bansa, kasunduang internasyonal o tagapagpaganap, o batas na dapat dinggin ng Kataastaasang Hukuman en banc,  ... (Art. VIII, Seksyon 4)

Status of International Law
  • English

    The Supreme Court shall have the following powers:
    ...
    (2) Review, revise, reverse, modify, or affirm on appeal or certiorari, as the law or the Rules of Court may provide, final judgments and orders of lower courts in:
    (a) All cases in which the constitutionality or validity of any treaty, international or executive agreement, law, presidential decree, proclamation, order, instruction, ordinance, or regulation is in question.
    ... (Art. VIII, Sec. 5)

  • Filipino

    Dapat magtaglay ang Kataastaasang Hukuman ng sumusunod na mga kapangyarihan:
    ...
    (2) Rebyuhin, rebisahin, baligtarin, baguhin, o patibayan sa paghahabol o certiorari, ayon sa mga maaaring itadhana ng batas o ng mga alituntunin ng hukuman, ang mga pangwakas na pagpapasya at mga kautusan ng mga nakabababang hukuman sa:
    (a) Lahat ng mga usapin na ang konstitusyonaliti o baliditi ng ano mang kasunduang-bansa, kasunduang internasyonal o tagapagpaganap, batas, dekri ng pangulo, ordinansa, kautusang tagapagpaganap, proklamasyon, o regulasyon ay pinagtatalunan.
    ... (Art. VIII, Sec. 5)

Status of International Law
  • English
    The Commission on Human Rights shall have the following powers and functions:

    (7) Monitor the Philippine Government’s compliance with international treaty obligations on human rights;
    … (Art. XIII, Sec. 18)
  • Filipino
    Dapat magkaroon ang Komisyong sa Mga Karapatang Pantao ng mga sumusunod na mga kapangyarihan at mga gawain:

    (7) Subaybayan ang pagtalima ng Pamahalaan ng Pilipinas sa mga pananagutan sa pandaigdig na kasunduang-bansa hinggil sa mga karapatang pantao;
    … (Art. XIII, Seksyon 18)
1

Constitution of the Republic of the Philippines 1987 (English). According to Art. XIV: “Section 6. The national language of the Philippines is Filipino. …”

Links to all sites last visited 20 March 2024