SEARCH DATABASE
The Global Gender Equality Constitutional Database is a repository of gender equality related provisions in 194 constitutions from around the world. The Database was updated in partnership with the International Bar Association's Human Rights Institute (IBAHRI) and with support from the Swedish International Development Agency (SIDA) and the Government of Japan. Experience its wealth and depth of information by starting your search now.
ABOUT 95 RESULTS
Political Rights and Association
Philippines
- EnglishThe right of the people and their organizations to effective and reasonable participation at all levels of social, political, and economic decision-making shall not be abridged. The State shall, by law, facilitate the establishment of adequate consultation mechanisms. (Art. XIII, Sec. 16)
- FilipinoHindi dapat bawalan ang karapatan ng sambayanan at ng kanilang mga organisasyon sa mabisa at makatwirang pakikilahok sa lahat ng mga antas ng pagpapasiyang panlipunan, pampulitika, at pangkabuhayan. Dapat padaliin ng Estado, sa pamamagitan ng batas, ang pagtatatag ng sapat na mga pamamaraan sa pakikipagsanggunian. (Art. XIII, Seksyon 16)
Political Rights and Association
Philippines
- EnglishSuffrage may be exercised by all citizens of the Philippines not otherwise disqualified by law, who are at least eighteen years of age, and who shall have resided in the Philippines for at least one year, and in the place wherein they propose to vote, for at least six months immediately preceding the election. No literacy, property, or other substantive requirement shall be imposed on the exercise of suffrage. (Art. V, Sec. 1)
- FilipinoAng karapatan sa halal ay maaaring gampanan ng lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas na hindi inalisan ng karapatan ng batas, na labingwalong taong gulang man lamang, at nakapanirahan sa Pilipinas sa loob ng isang taon man lamang, at anim na buwan man lamang sa lugar na kanilang bobotohan kagyat bago maghalalan. Walang dapat ipataw na literasi, ariarian o iba pang substantibong kinakailangan sa pagganap ng karapatan sa halal. (Art. V, Seksyon 1)
Political Rights and Association
Philippines
- EnglishThe right of the people, including those employed in the public and private sectors, to form unions, associations, or societies for purposes not contrary to law shall not be abridged. (Art. III, Sec. 8)
- FilipinoHindi dapat hadlangan ang karapatan ng mga taong-bayan kabilang ang mga naglilingkod sa publiko at pribadong sektor na magtatag ng mga asosasyon, mga unyon, o mga kapisanan sa mga layuning hindi lalabag sa batas. (Art. III, Seksyon 8)
Political Rights and Association
Philippines
- EnglishThe State shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may be defined by law. (Art. II, Sec. 26)
- FilipinoDapat seguruhin ng Estado ang pantay na pag-uukol ng mga pagkakataon para sa lingkurang pambayan, at ipagbawal ang mga dinastiyang pulitikal ayon sa maaaring ipagkahulugan ng batas. (Art. II, Seksyon 26)
Political Parties
Philippines
- EnglishThe Commission on Elections shall exercise the following powers and functions:
…
(5) Register, after sufficient publication, political parties, organizations, or coalitions which, in addition to other requirements, must present their platform or program of government; and accredit citizens’ arms of the Commission on Elections. Religious denominations and sects shall not be registered. Those which seek to achieve their goals through violence or unlawful means, or refuse to uphold and adhere to this Constitution, or which are supported by any foreign government shall likewise be refused registration.
Financial contributions from foreign governments and their agencies to political parties, organizations, coalitions, or candidates related to elections constitute interference in national affairs, and, when accepted, shall be an additional ground for the cancellation of their registration with the Commission, in addition to other penalties that may be prescribed by law.
… (Art. IX-C, Sec. 2) - FilipinoDapat tumupad ng sumusunod na mga kapangyarihan at mga gawain ng Komisyon ng Halalan:
…
(5) Irehistro, pagkaraan ng sapat na paglalathala, ang mga partido, mga organisasyon, o mga koalisyong pampulitika na bukod sa iba pang mga kahingian, ay kinakailangang magharap ng kanilang plataporma o programa ng pamahalaan, at kilalanin ang mga lingkod-bayan ng Komisyon ng Halalan. Hindi dapat irehistro ang mga denominasyon at mga sektang pangrelihiyon. Dapat ding tanggihan ang pagrerehistro sa mga naghahangad na makamit ang kanilang mga layunin sa pamamagitan ng karahasan o mga labag na kaparaanan, o tumatangging itaguyod at talimahin ang Saligang-Batas na ito, o sinusuportahan ang alin mang banyagang pamahalaan.
Ang kontribusyong pinansyal sa mga partido, organisasyon, koalisyon, o kandidatong pampulitika mula sa banyagang pamahalaan at mga sangay niyon na may kaugnayan sa mga halalan ay ituturing na panghihimasok sa mga gawaing pambansa at, kapag tinanggap, magiging karagdagang batayan sa pagkansela sa pagkarehistro nila sa Komisyon, bukod sa iba pang mga parusa na maaaring itakda ng batas.
… (Art. IX-K, Seksyon 2)
Political Parties
Philippines
- English(1) The House of Representatives shall be composed of not more than two hundred and fifty members, unless otherwise fixed by law, who shall be elected from legislative districts apportioned among the provinces, cities, and the Metropolitan Manila area in accordance with the number of their respective inhabitants, and on the basis of a uniform and progressive ratio, and those who, as provided by law, shall be elected through a party-list system of registered national, regional, and sectoral parties or organizations.
(2) The party-list representatives shall constitute twenty per centum of the total number of representatives including those under the party list. For three consecutive terms after the ratification of this Constitution, one-half of the seats allocated to party-list representatives shall be filled, as provided by law, by selection or election from the labor, peasant, urban poor, indigenous cultural communities, women, youth, and such other sectors as may be provided by law, except the religious sector.
... (Art. VI, Sec. 5) - Filipino(1) Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay dapat buuin ng hindi hihigit sa dalawang daan at limampung kagawad matangi kung magtakda ang batas ng naiiba, na dapat ihalal mula sa mga purok pangkapulungan na pinag-ayaw-ayaw sa mga lalawigan, mga lungsod at Metropolitan Manila Area ayon sa rami ng kinauukulang mga naninirahan, at batay sa magkakatulad at paunlad na pagdami, at yaong ayon sa itinatadhana ng batas ay dapat ihalal sa pamamagitan ng sistemang partilist ng rehistradong partido o organisasyong pambansa, panrehiyon, at pansektor.
(2) Ang kinatawang partilist ay dapat na binubuo ng dalawampung porsyento ng lahat ng mga kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Sa loob ng tatlong magkakasunod na taning ng panunungkulan pagkaraang maratipikahan ang Konstitusyong ito, ang kalahati sa mga pwestong nakalaan sa mga kinatawang partilist ay dapat punan, ayon sa itinatadhana ng batas, sa pamamagitan ng pagpili o paghahalal mula sa sektor ng mga manggagawa, magsasaka, mahirap na tagalungsod, mga katutubong pamayanang pangkalinangan, mga kababaihan, kabataan at sa iba pang mga sektor na maaaring itadhana ng batas, maliban sa sektor na panrelihiyon.
... (Art. VI, Seksyon 5)
Electoral Bodies
Philippines
- EnglishThe Commission may, during the election period, supervise or regulate the enjoyment or utilization of all franchises or permits for the operation of transportation and other public utilities, media of communication or information, all grants, special privileges, or concessions granted by the Government or any subdivision, agency, or instrumentality thereof, including any government-owned or controlled corporation or its subsidiary. Such supervision or regulation shall aim to ensure equal opportunity, time, and space, and the right to reply, including reasonable, equal rates therefor, for public information campaigns and forums among candidates in connection with the objective of holding free, orderly, honest, peaceful, and credible elections. (Art. IX-C, Sec. 4)
- FilipinoAng pagtatamasa o pagsasagamit ng lahat ng mga prangkisa o permit para sa operasyon ng transportasyon at iba pang mga kagamitang pambayan, midya ng pahatiran o kabatiran, lahat ng mga kaloob, mga pribilehyong natatangi o mga konsesyong ipinagkaloob ng Pamahalaan o ano mang bahagi, sangay, o instrumentaliti niyon, kasama ang alin mang korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan, ay maaaring pangasiwaan at isaayos ng Komisyon sa panahon ng halalan. Layunin ng gayong pangangasiwa at pagsasaayos na matiyak ang timbang na pagkakataon, panahon, puwang, at karapatang sumagot, kasama na ang makatwiran at timbang na singil ukol doon sa mga kampanya at porum sa pagbibigay ng impormasyon sa madla ng mga kandidato sa layuning matiyak ang malaya, maayos, malinis, mapayapa, at kapani-paniwalang halalan. (Art. IX-K, Seksyon 4)
Electoral Bodies
Philippines
- EnglishThe Commission on Elections shall exercise the following powers and functions:
(1) Enforce and administer all laws and regulations relative to the conduct of an election, plebiscite, initiative, referendum, and recall.
(2) Exercise exclusive original jurisdiction over all contests relating to the elections, returns, and qualifications of all elective regional, provincial, and city officials, and appellate jurisdiction over all contests involving elective municipal officials decided by trial courts of general jurisdiction, or involving elective barangay officials decided by trial courts of limited jurisdiction.
Decisions, final orders, or rulings of the Commission on election contests involving elective municipal and barangay offices shall be final, executory, and not appealable.
(3) Decide, except those involving the right to vote, all questions affecting elections, including determination of the number and location of polling places, appointment of election officials and inspectors, and registration of voters.
(4) Deputize, with the concurrence of the President, law enforcement agencies and instrumentalities of the Government, including the Armed Forces of the Philippines, for the exclusive purpose of ensuring free, orderly, honest, peaceful, and credible elections.
…
(6) File, upon a verified complaint, or on its own initiative, petitions in court for inclusion or exclusion of voters; investigate and, where appropriate, prosecute cases of violations of election laws, including acts or omissions constituting election frauds, offenses, and malpractices.
… (Art. IX-C, Sec. 2) - FilipinoDapat tumupad ng sumusunod na mga kapangyarihan at mga gawain ng Komisyon ng Halalan:
(1) Magpatupad at mamahala sa pagpapatupad ng lahat ng mga batas at regulasyon na kaugnay ng pagdaraos ng halalan, plebisito, initiative, referendum, at recall.
(2) Gampanan ang eksklusibong orihinal na hurisdiksyon sa lahat ng mga hidwaan tungkol sa mga halalan, mga kinalabasan at mga katangian ng lahat ng halal na mga pinunong panrehiyon, panlalawigan, at panglungsod, at hurisdiksyong paghahabol sa lahat ng mga hidwaan na kinakasangkutan ng mga halal na pinuno ng bayan na pinasyahan ng mga hukuman ng paglilitis na pangkalahatan ang hurisdiksyon, o kinasasangkutan ng mga halal na pinuno ng baranggay na pinasyahan ng mga hukuman ng paglilitis na natatakdaan ang hurisdiksyon.
Ang mga desisyon, mga pangwakas na utos, o mga kapasyahan ng komisyon tungkol sa mga hidwaan sa halaan na kinasasangkutan ng mga katungkulang halal sa bayan at baranggay ay dapat na pangwakas, maipatutupad, at hindi maipaghahabol.
(3) Magpasya, matangi roon sa mga may kinalaman sa karapatan sa pagboto, sa lahat ng mga suliranin tungkol sa mga halalan, kasama ang pagpapasya sa bilang at kinalalagyan ng mga botohan, paghirang ng mga pinuno at mga inspektor ng halalan, at parerehistro ng mga botante.
(4) Magsugo, sa pagsang-ayon ng Pangulo, sa mga sangay at kasangkapang tagapagpatupad ng batas ng Pamahalaan, kasama ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, ukol sa tanging layuning matiyak ang malaya, maayos, malinis, mapayapa, at kapani-paniwalang halalan.
…
(6) Batay sa biniripikahang sumbong o pagkukusa nito, magharap ng mga petisyon sa mga hukuman ukol sa paglalakip o sa pagwawakasi ng mga botante sa rehistro ng mga kwalipikadong botante; siyasatin at, kung nararapat, usigin ang mga paglabag sa mga batas sa halalan, kasama ang mga kagagawan o pagkukulang na itinuturing na pandaraya, mga pagkakasala at masasamang gawain sa halalan.
... (Art. IX- K, Seksyon 2)
National level
Philippines
- English(1) The House of Representatives shall be composed of not more than two hundred and fifty members, unless otherwise fixed by law, who shall be elected from legislative districts apportioned among the provinces, cities, and the Metropolitan Manila area in accordance with the number of their respective inhabitants, and on the basis of a uniform and progressive ratio, and those who, as provided by law, shall be elected through a party-list system of registered national, regional, and sectoral parties or organizations.
(2) The party-list representatives shall constitute twenty per centum of the total number of representatives including those under the party list. For three consecutive terms after the ratification of this Constitution, one-half of the seats allocated to party-list representatives shall be filled, as provided by law, by selection or election from the labor, peasant, urban poor, indigenous cultural communities, women, youth, and such other sectors as may be provided by law, except the religious sector.
... (Art. VI, Sec. 5) - Filipino(1) Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay dapat buuin ng hindi hihigit sa dalawang daan at limampung kagawad matangi kung magtakda ang batas ng naiiba, na dapat ihalal mula sa mga purok pangkapulungan na pinag-ayaw-ayaw sa mga lalawigan, mga lungsod at Metropolitan Manila Area ayon sa rami ng kinauukulang mga naninirahan, at batay sa magkakatulad at paunlad na pagdami, at yaong ayon sa itinatadhana ng batas ay dapat ihalal sa pamamagitan ng sistemang partilist ng rehistradong partido o organisasyong pambansa, panrehiyon, at pansektor.
(2) Ang kinatawang partilist ay dapat na binubuo ng dalawampung porsyento ng lahat ng mga kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Sa loob ng tatlong magkakasunod na taning ng panunungkulan pagkaraang maratipikahan ang Konstitusyong ito, ang kalahati sa mga pwestong nakalaan sa mga kinatawang partilist ay dapat punan, ayon sa itinatadhana ng batas, sa pamamagitan ng pagpili o paghahalal mula sa sektor ng mga manggagawa, magsasaka, mahirap na tagalungsod, mga katutubong pamayanang pangkalinangan, mga kababaihan, kabataan at sa iba pang mga sektor na maaaring itadhana ng batas, maliban sa sektor na panrelihiyon.
... (Art. VI, Seksyon 5)
Head of State
Philippines
- EnglishThe President and the Vice-President shall be elected by direct vote of the people for a term of six years … (Art. VII, Sec. 4)
- FilipinoAng Pangulo at Pangalawang Pangulo ay dapat mahalal sa pamamagitan ng tuwirang boto ng sambayanan para sa taning na anim na taon ... (Art. VII, Seksyon 4)