SEARCH DATABASE
The Global Gender Equality Constitutional Database is a repository of gender equality related provisions in 194 constitutions from around the world. The Database was updated in partnership with the International Bar Association's Human Rights Institute (IBAHRI) and with support from the Swedish International Development Agency (SIDA) and the Government of Japan. Experience its wealth and depth of information by starting your search now.
Religious Law
- EnglishThe State shall defend:
(1) The right of spouses to found a family in accordance with their religious convictions and the demands of responsible parenthood;
… (Art. XV, Sec. 3) - FilipinoDapat isanggalang ng Estado:
(1) Ang karapatan ng mga mag-asawa na magpamilya nang naaayon sa kanilang pananalig na panrelihiyon at sa mga kinakailangan ng responsableng pagpapamilya;
… (Art. XV, Seksyon 3)
Religious Law
- English
No law shall be made respecting an establishment of religion, … No religious test shall be required for the exercise of civil or political rights. (Art. III, Sec. 5)
- Filipino
Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihiyon, ... Hindi dapat kailanganin ang pagsusulit pangrelihiyon sa pagsasagamit ng karapatang sibil o pampulitika. (Art. III, Seksyon 5)
Religious Law
- EnglishThe separation of Church and State shall be inviolable. (Art. II, Sec. 6)
- FilipinoHindi dapat labagin ang pagkakahiwalay ng Simbahan at ng Estado. (Art. II, Seksyon 6)
Customary Law
- EnglishThe State, subject to the provisions of this Constitution and national development policies and programs, shall protect the rights of indigenous cultural communities to their ancestral lands to ensure their economic, social, and cultural well-being.
The Congress may provide for the applicability of customary laws governing property rights or relations in determining the ownership and extent of ancestral domain. (Art. XII, Sec. 5) - FilipinoDapat pangalagaan ng Estado, batay sa mga tadhana ng Konstitusyong ito at sa mga patakaran at mga programa sa pagpapaunlad ng bansa, ang mga karapatan ng mga katutubong pamayanang kultural sa kanilang minanang lupain upang matiyak ang kanilang kagalinang ekonomiko, panlipunan, at pangkultura.
Maaaring magtakda ang Kongreso para sa pagpapairal ng mga nakaugaliang batas hinggil sa mga karapatan o mga ugnayan sa ariarian sa pagtiyak sa pagmamay-ari ng minanang lupain. (Art. XII, Seksyon 5)
Customary Law
- EnglishThe State shall recognize, respect, and protect the rights of indigenous cultural communities to preserve and develop their cultures, traditions, and institutions. It shall consider these rights in the formulation of national plans and policies. (Art. XIV, Sec. 17)
- FilipinoDapat kilalanin, igalang, at pangalagaan ng Estado ang mga karapatan ng mga katutubong pamayanang kultural sa pagpapanatili at pagpapayaman ng kanilang kultura, mga tradisyon, at mga institusyon. Dapat isaalang-alang nito ang mga karapatang ito sa pagbabalangkas ng mga pambansang plano at mga patakaran. (Art. XIV, Seksyon 17)