SEARCH DATABASE
The Global Gender Equality Constitutional Database is a repository of gender equality related provisions in 194 constitutions from around the world. The Database was updated in partnership with the International Bar Association's Human Rights Institute (IBAHRI) and with support from the Swedish International Development Agency (SIDA) and the Government of Japan. Experience its wealth and depth of information by starting your search now.
Indigenous Peoples
- EnglishThe State recognizes and promotes the rights of indigenous cultural communities within the framework of national unity and development. (Art. II, Sec. 22)
- FilipinoKinikilala at itinataguyod ng Estado ang mga karapatan ng mga katutubong pamayanang kultural sa loob ng balangkas ng pambansang pagkakaisa at pag-unlad. (Art. II, Seksyon 22)
Indigenous Peoples
- English
… The State … shall support indigenous, appropriate, and self-reliant scientific and technological capabilities, and their application to the country’s productive systems and national life. (Art. XIV, Sec. 10)
- Filipino
… ang Estado ... Dapat suportahan nito ang mga kakayahang siyentipiko at teknolohikal na katutubo, angkop at umaasa sa sariling kakayahan at ang kanilang kabagayan sa mga sistemang pamproduksyon at pambansang kapamuhayang pambansa. (Art. XIV, Seksyon 10)
Indigenous Peoples
- EnglishThe State shall:
…
(4) Encourage non-formal, informal, and indigenous learning systems, as well as self-learning, independent, and out-of-school study programs particularly those that respond to community needs;
… (Art. XIV, Sec. 2) - FilipinoAng Estado ay dapat:
…
(4) Pasiglahin ang di-pormal, impormal at katutubong mga sistema ng pagkatuto, at gayon din ang mga programang pagkatuto sa sarili, sarilinang pag-aaral at pag-aaral sa labas ng paaralan lalo na yaong tumutugon sa mga pangangailangan ng pamayanan;
… (Art. XIV, Seksyon 2)
Indigenous Peoples
- English
The State shall apply the principles of agrarian reform or stewardship, whenever applicable in accordance with law, in the disposition or utilization of other natural resources, including lands of the public domain under lease or concession suitable to agriculture, subject to prior rights, homestead rights of small settlers, and the rights of indigenous communities to their ancestral lands.
… (Art. XIII, Sec. 6) - Filipino
Dapat ipatupad ng Estado ang mga simulain ng repormang pansakahan o stewardship kailanma't mapapairal nang naaalinsunod sa batas sa pamamahagi o paggamit ng iba pang mga likas na kayamanan, kasama ang mga lupaing pambayan na angkop sa pagsasaka sa ilalim ng pamumwisan o konsesyon, batay sa mga karapatang nauuna, mga karapatan sa homested ng maliliit na nananahanan, at mga karapatan ng katutubong mga pamayanan sa kanilang minanang mga lupain.
… (Art. XIII, Seksyon 6)
Indigenous Peoples
- EnglishThe State, subject to the provisions of this Constitution and national development policies and programs, shall protect the rights of indigenous cultural communities to their ancestral lands to ensure their economic, social, and cultural well-being.
The Congress may provide for the applicability of customary laws governing property rights or relations in determining the ownership and extent of ancestral domain. (Art. XII, Sec. 5) - FilipinoDapat pangalagaan ng Estado, batay sa mga tadhana ng Konstitusyong ito at sa mga patakaran at mga programa sa pagpapaunlad ng bansa, ang mga karapatan ng mga katutubong pamayanang kultural sa kanilang minanang lupain upang matiyak ang kanilang kagalingang ekonomiko, panlipunan at pangkultura.
Maaaring magtakda ang Kongreso para sa pagpapairal ng mga nakaugaliang batas hinggil sa mga karapatan o mga ugnayan sa ariarian sa pagtiyak sa pagmamay-ari ng minanang lupain. (Art. XII, Seksyon 5)
Indigenous Peoples
- EnglishThe Congress may create a consultative body to advise the President on policies affecting indigenous cultural communities, the majority of the members of which shall come from such communities. (Art. XVI, Sec. 12)
- FilipinoAng Kongreso ay maaaring magtatag ng isang kalupunang magpapayo sa Pangulo tungkol sa mga patakarang may kinalaman sa mga katutubong pamayanang kultural, na mula sa naturang mga pamayanan ang nakakarami sa kanila. (Art. XVI, Seksyon 12)
Indigenous Peoples
- English(1) The House of Representatives shall be composed of not more than two hundred and fifty members, unless otherwise fixed by law, who shall be elected from legislative districts apportioned among the provinces, cities, and the Metropolitan Manila area in accordance with the number of their respective inhabitants, and on the basis of a uniform and progressive ratio, and those who, as provided by law, shall be elected through a party-list system of registered national, regional, and sectoral parties or organizations.
(2) The party-list representatives shall constitute twenty per centum of the total number of representatives including those under the party list. For three consecutive terms after the ratification of this Constitution, one-half of the seats allocated to party-list representatives shall be filled, as provided by law, by selection or election from the labor, peasant, urban poor, indigenous cultural communities, women, youth, and such other sectors as may be provided by law, except the religious sector.
... (Art. VI, Sec. 5) - Filipino(1) Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay dapat buuin ng hindi hihigit sa dalawang daan at limampung kagawad matangi kung magtakda ang batas ng naiiba, na dapat ihalal mula sa mga purok pangkapulungan na pinaghati-hati sa mga lalawigan, mga lungsod at Metropolitan Manila Area ayon sa rami ng kinauukulang mga naninirahan, at batay sa magkakatulad at paunlad na pagdami at yaong ayon sa itinatadhana ng batas ay dapat ihalal sa pamamagitan ng sistemang party-list ng rehistradong mga partido o organisasyong pambansa, panrehiyon, at pansektor.
(2) Ang kinatawang party-list ay dapat na binubuo ng dalawampung porsyento ng lahat ng mga kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Sa loob ng tatlong magkakasunod na taning ng panunungkulan pagkaraang maratipikahan ang Konstitusyong ito, ang kalahati sa mga pwestong nakalaan sa mga kinatawang party-list ay dapat punan, ayon sa itinatadhana ng batas, sa pamamagitan ng pagpili o paghahalal mula sa sektor ng mga manggagawa, magsasaka, mahirap na taga-lungsod, mga katutubong pamayanang pangkalinangan, mga kababaihan, kabataan at sa iba pang mga sektor na maaaring itadhana ng batas, maliban sa sektor na panrelihiyon.
... (Art. VI, Seksyon 5)
Indigenous Peoples
- EnglishThe State shall recognize, respect, and protect the rights of indigenous cultural communities to preserve and develop their cultures, traditions, and institutions. It shall consider these rights in the formulation of national plans and policies. (Art. XIV, Sec. 17)
- FilipinoDapat kilalanin, igalang, at pangalagaan ng Estado ang mga karapatan ng mga katutubong pamayanang kultural sa pagpapanatili at pagpapayaman ng kanilang kultura, mga tradisyon, at mga institusyon. Dapat isaalang-alang nito ang mga karapatang ito sa pagbabalangkas ng mga pambansang plano at mga patakaran. (Art. XIV, Seksyon 17)