SEARCH DATABASE
The Global Gender Equality Constitutional Database is a repository of gender equality related provisions in 194 constitutions from around the world. The Database was updated in partnership with the International Bar Association's Human Rights Institute (IBAHRI) and with support from the Swedish International Development Agency (SIDA) and the Government of Japan. Experience its wealth and depth of information by starting your search now.
ABOUT 95 RESULTS
Property, Inheritance and Land Tenure
Philippines
- EnglishThe State shall apply the principles of agrarian reform or stewardship, whenever applicable in accordance with law, in the disposition or utilization of other natural resources, including lands of the public domain under lease or concession suitable to agriculture, subject to prior rights, homestead rights of small settlers, and the rights of indigenous communities to their ancestral lands.
The State may resettle landless farmers and farmworkers in its own agricultural estates which shall be distributed to them in the manner provided by law. (Art. XIII, Sec. 6) - FilipinoDapat ipatupad ng Estado ang mga simulain ng repormang pansakahan o stewardship kailanma't mapapairal nang naaalinsunod sa batas sa pamamahagi o paggamit ng iba pang mga likas na kayamanan, kasama ang mga lupaing pambayan na angkop sa pagsasaka sa ilalim ng pamumuwisan o konsesyon, batay sa mga nananahanan, at mga karapatan mga katutubong mga pamayanan sa kanilang minanang lupain.
Maaaring ipanahanan ng Estado ang mga magsasakang walang lupa at mga manggagawa sa bukid sa sarili nitong mga lupaing pansakahan na ipamahagi sa kanila sa paraang itinakda ng batas. (Art. XIII, Seksyon 6)
Property, Inheritance and Land Tenure
Philippines
- EnglishWithin its territorial jurisdiction and subject to the provisions of this Constitution and national laws, the organic act of autonomous regions shall provide for legislative powers over:
…
(4) Personal, family, and property relations;
… (Art. X, Sec. 20) - FilipinoAng batayang batas ng mga rehiyong awtonomus, sa loob ng hurisdiksyong teritoryal nito at sa ilalim ng mga tadhana ng Konstitusyong ito at ng mga batas pambansa, ay dapat magtadhana ng mga kapangyarihang tagapagbatas sa:
…
(4) Mga ugnayang personal, pampamilya at pang-ari-arian;
… (Art. X, Seksyon 20)
Property, Inheritance and Land Tenure
Philippines
- EnglishThe State shall, by law, undertake an agrarian reform program founded on the right of farmers and regular farmworkers who are landless, to own directly or collectively the lands they till or, in the case of other farmworkers, to receive a just share of the fruits thereof. To this end, the State shall encourage and undertake the just distribution of all agricultural lands, subject to such priorities and reasonable retention limits as the Congress may prescribe, taking into account ecological, developmental, or equity considerations, and subject to the payment of just compensation. In determining retention limits, the State shall respect the right of small landowners. The State shall further provide incentives for voluntary land-sharing. (Art. XIII, Sec. 4)
- FilipinoDapat magsagawa ang Estado, sa pamamagitan ng batas, ng programa sa repormang pansakahan na nakasalig sa karapatan ng mga magsasaka at mga regular na manggagawa sa bukid, na mga walang lupa, na tuwiran o sama-samang magmay-ari ng mga lupang kanilang sinasaka o, sa kalagayan ng iba pang mga manggagawa sa bukid, tumanggap ng karampatang kaparte sa mga bunga niyon. Tungo sa layuning ito, dapat magpasigla at magsagawa ang Estado ng makatwirang pamamahagi ng lahat ng mga lupang pansakahan, na sasailalim sa mga priority at makatwirang mapapanatiling mga sukat na maaaring itakda ng Kongreso, na nagsasaalang-alang sa mga konsiderasyong pang-ekolohiya, pangkaunlaran, o pagkamatarungan, at batay sa pagbabayad ng makatwirang kabayaran. Dapat igalang ng Estado ang mga karapatan ng mga maliliit na may-ari ng lupa sa pagtatakda ng mga limitasyon sa retensyon. Dapat ding maglaan ang Estado ng mga insentibo para sa boluntaryong pagbabahagi ng lupa. (Art. XIII, Seksyon 4)
Property, Inheritance and Land Tenure
Philippines
- EnglishNotwithstanding the provisions of Section 7 of this Article, a natural-born citizen of the Philippines who has lost his Philippine citizenship may be a transferee of private lands, subject to limitations provided by law. (Art. XII, Sec. 8)
- FilipinoSa kabila ng mga tadhana ng Seksyon 7 ng Artikulong ito, ang isang katutubong inianak na mamamayan ng Pilipinas na nawalan ng pagkamamamayang Pilipino ay maaaring palipatan ng mga lupaing pribado, batay sa mga katakdaang itinatadhana ng batas. (Art. XII, Seksyon 8)
Property, Inheritance and Land Tenure
Philippines
- EnglishSave in cases of hereditary succession, no private lands shall be transferred or conveyed except to individuals, corporations, or associations qualified to acquire or hold lands of the public domain. (Art. XII, Sec. 7)
- FilipinoHindi dapat malipat o masalin ang ano mang pribadong lupain maliban sa pagmamana, at sa mga tao, mga korporasyon o mga asosasyon na may karapatang magtamo o maghawak ng mga lupaing ari ng bayan. (Art. XII, Seksyon 7)
Protection from Violence
Philippines
- English…
(2) No involuntary servitude in any form shall exist except as a punishment for a crime whereof the party shall have been duly convicted. (Art. III, Sec. 18) - Filipino…
(2) Hindi dapat pairalin ang ano mang anyo ng sapilitang paglilingkod, maliban kung kaparusahang pataw ng hatol ng pagkakasala. (Art. III, Seksyon 18)
Protection from Violence
Philippines
- English…
(2) No torture, force, violence, threat, intimidation, or any other means which vitiate the free will shall be used against him. Secret detention places, solitary, incommunicado, or other similar forms of detention are prohibited.
… (Art. III, Sec. 12) - Filipino…
(2) Hindi siya dapat gamitan ng labis na pagpapahirap, pwersa, dahas, pananakot, pagbabanta, o ano mang paraaan na pipinsala sa kanyang malayang pagpapasya. Ipinagbabawal ang mga lihim kulungan, solitaryo, ingkomunikado, o iba pang katulad ng anyo ng detensyon.
… (Art. III, Seksyon 12)
Protection from Violence
Philippines
- EnglishThe State shall defend:
…
(2) The right of children to assistance, including proper care and nutrition, and special protection from all forms of neglect, abuse, cruelty, exploitation, and other conditions prejudicial to their development;
… (Art. XV, Sec. 3) - FilipinoDapat isanggalang ng Estado:
…
(2) Ang karapatan ng mga bata na mabigyan ng kalinga, kasama ang wastong pagaalaga at nutrisyon at natatanging proteksyon sa lahat ng mga anyo ng pagpapabaya, pagaabuso, pagmamalupit, pagsasamantala, at iba pang kondisyong nakakapinsala sa kanilang pag-unlad;
... (Art. XV, Seksyon 3)
Protection from Violence
Philippines
- EnglishThe Commission on Elections shall exercise the following powers and functions:
…
(5) Register, after sufficient publication, political parties, organizations, or coalitions which, in addition to other requirements, must present their platform or program of government; and accredit citizens’ arms of the Commission on Elections. Religious denominations and sects shall not be registered. Those which seek to achieve their goals through violence or unlawful means, or refuse to uphold and adhere to this Constitution, or which are supported by any foreign government shall likewise be refused registration.
… (Art. IX-C, Sec. 2) - FilipinoDapat tumupad ng sumusunod na mga kapangyarihan at mga gawain ng Komisyon ng Halalan:
…
(5) Irehistro, pagkaraan ng sapat na paglalathala, ang mga partido, mga organisasyon, o mga koalisyong pampulitika na bukod sa iba pang mga kahingian, ay kinakailangang magharap ng kanilang plataporma o programa ng pamahalaan, at kilalanin ang mga lingkod-bayan ng Komisyon ng Halalan. Hindi dapat irehistro ang mga denominasyon at mga sektang pangrelihiyon. Dapat ding tanggihan ang pagrerehistro sa mga naghahangad na makamit ang kanilang mga layunin sa pamamagitan ng karahasan o mga labag na kaparaanan, o tumatangging itaguyod at talimahin ang Saligang-Batas na ito, o sinusuportahan ang alin mang banyagang pamahalaan.
… (Art. IX-K, Seksyon 2)
Protection from Violence
Philippines
- English(1) Excessive fines shall not be imposed, nor cruel, degrading or inhuman punishment inflicted.
…
(2) The employment of physical, psychological, or degrading punishment against any prisoner or detainee or the use of substandard or inadequate penal facilities under subhuman conditions shall be dealt with by law. (Art. III, Sec. 19) - Filipino(1) Hindi dapat ipataw ang malabis na multa, ni ilapat ang malupit, imbi o di-makataong parusa.
...
(2) Dapat lapatan ng kaukulang batas ang pagpapahirap na pisikal, sikolohikal, o imbing pagpaparusa sa sino mang bilanggo o detenido o ang paggamit ng mga kaluwagang penal na di-makatao. (Art. III, Seksyon 19)