SEARCH DATABASE
The Global Gender Equality Constitutional Database is a repository of gender equality related provisions in 194 constitutions from around the world. The Database was updated in partnership with the International Bar Association's Human Rights Institute (IBAHRI) and with support from the Swedish International Development Agency (SIDA) and the Government of Japan. Experience its wealth and depth of information by starting your search now.
ABOUT 95 RESULTS
Public Institutions and Services
Philippines
- EnglishThe Congress shall give highest priority to the enactment of measures that protect and enhance the right of all the people to human dignity, reduce social, economic, and political inequalities, and remove cultural inequities by equitably diffusing wealth and political power for the common good.
To this end, the State shall regulate the acquisition, ownership, use, and disposition of property and its increments. (Art. XIII, Sec. 1) - FilipinoDapat pag-ukulan ng Kongreso ng pinakamataas na prayoriti ang pagsasabatas ng mga hakbangin na mangangalaga at magpapatingkad sa karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa dignidad na pantao, magbabawas sa mga di pagkakapantay-pantay na panlipunan, pangkabuhayan, at pampulitika, at papawi sa mga di pagkakapantay-pantay na pagkalinangan sa pamamagitan ng ekwitableng na pagpapalaganap ng kayamanan at kapangyarihang pampulitika para sa kabutihan ng lahat.
Tungo sa mga mithiing ito, dapat regulahin ng Estado ang pagtatamo, pagmamay-ari, paggamit, at paglilipat ng ariarian at ng mga bunga nito. (Art. XIII, Seksyon 1)
Public Institutions and Services
Philippines
- EnglishThe State recognizes the sanctity of family life and shall protect and strengthen the family as a basic autonomous social institution. It shall equally protect the life of the mother and the life of the unborn from conception. The natural and primary right and duty of parents in the rearing of the youth for civic efficiency and the development of moral character shall receive the support of the Government. (Art. II, Sec. 12)
- FilipinoKinikilala ng Estado ang kabanalan ng buhay pampamilya at dapat pangalagaan at patatagin ang pamilya bilang isang saligang institusyon ng lipunan. Dapat nitong pangalagaan kapwa ang buhay ng ina at ang buhay ng sanggol sa sinapupunan mula sa paglilihi. Ang likas at pangunahing karapatan at tungkulin ng mga magulang sa pagmumulat ng kabataan para sa kahusayang sibiko at pagpapaunlad ng karakter na moral ay dapat tumanggap ng tangkilik ng Pamahalaan. (Art. II, Seksyon 12)
Public Institutions and Services
Philippines
- EnglishThe State shall provide immediate and adequate care, benefits, and other forms of assistance to war veterans and veterans of military campaigns, their surviving spouses and orphans.
… (Art. XVI, Sec. 7) - FilipinoAng Estado ay dapat maglaan ng kagyat at sapat na pangangalaga, mga benepisyo, at iba pang mga anyo ng tulong sa mga beterano ng digmaan at mga beterano ng mga kampanyang militar, kanilang mga balo at mga naulila.
… (Art. XVI, Seksyon 7)
Public Institutions and Services
Philippines
- EnglishThe State shall promote a just and dynamic social order that will ensure the prosperity and independence of the nation and free the people from poverty through policies that provide adequate social services, promote full employment, a rising standard of living, and an improved quality of life for all. (Art. II, Sec. 9)
- FilipinoDapat itaguyod ng Estado ang makatwiran at dinamikong kaayusang panlipunan na titiyak sa kasaganaan at kasarinlan ng bansa at magpapalaya sa sambayanan laban sa kahirapan sa pamamagitan ng mga patakarang nagtatakda ng sapat na mga lingkurang panlipunan, nagtataguyod ng pagkakataon na magkahanapbuhay ang lahat, umaangat ng istandard ng pamumuhay at ng lalong mainam na uri ng buhay para sa lahat. (Art. II, Seksyon 9)
Public Institutions and Services
Philippines
- EnglishMarriage, as an inviolable social institution, is the foundation of the family and shall be protected by the State. (Art. XV, Sec. 2)
- FilipinoAng pag-aasawa, na di malalabag ng institusyong panlipunan, ay pundasyon ng pamilya at dapat pangalagaan ng Estado. (Art. XV, Seksyon 2)
Public Institutions and Services
Philippines
- EnglishThe State shall protect working women by providing safe and healthful working conditions, taking into account their maternal functions, and such facilities and opportunities that will enhance their welfare and enable them to realize their full potential in the service of the nation. (Art. XIII, Sec. 14)
- FilipinoDapat pangalagaan ng Estado ang mga kababaihang nagtatrabaho sa pamamagitan ng paglalaan ng ligtas at nakapagpapalusog na mga kalagayan sa pagtatrabaho, na nagsasaalang-alang ng kanilang mga gawain bilang ina, at ng mga kaluwagan at mga pagkakataon na nagpapatingkad sa kanilang ikagagaling at ikagiginhawa upang matamo ang kanilang ganap na potensyal sa paglilingkod sa bansa. (Art. XIII, Seksyon 14)
Public Institutions and Services
Philippines
- EnglishThe State shall adopt an integrated and comprehensive approach to health development which shall endeavor to make essential goods, health and other social services available to all the people at affordable cost. There shall be priority for the needs of the under-privileged, sick, elderly, disabled, women, and children. The State shall endeavor to provide free medical care to paupers. (Art. XIII, Sec. 11)
- FilipinoDapat magsagawa ang Estado ng pinag-isa at komprehensibong lapit sa pagpapaunlad ng kalusugan na magbibigay ng mga pangunahing pangangailangan, mga lingkurang pangkalusugan at iba pang mga lingkurang panlipunan na makakayanan ng lahat ng mga mamamayan. Dapat magkaroon ng prayoriti para sa mga pangangailangan ng mahihirap na maysakit, matatanda, may kapansanan, mga babae, at mga bata. Dapat sikapin ng Estado na makapagkaloob ng libreng panggagamot sa mga pulubi. (Art. XIII, Seksyon 11)
Sexual and Reproductive Rights
Philippines
- EnglishThe State recognizes the sanctity of family life and shall protect and strengthen the family as a basic autonomous social institution. It shall equally protect the life of the mother and the life of the unborn from conception.
... (Art. II, Sec. 12) - FilipinoKinikilala ng Estado ang kabanalan ng buhay pampamilya at dapat pangalagaan at patatagin ang pamilya bilang isang saligang institusyon ng lipunan. Dapat nitong pangalagaan kapwa ang buhay ng ina at ang buhay ng sanggol sa sinapupunan mula sa paglilihi.
... (Art. II, Seksyon 12)
Status of the Constitution
Philippines
- EnglishAll existing laws, decrees, executive orders, proclamations, letters of instructions, and other executive issuances not inconsistent with this Constitution shall remain operative until amended, repealed, or revoked. (Art. XVIII, Sec. 3)
- FilipinoAng lahat ng mga umiiral na batas, mga dekri, mga kautusang tagapagpaganap, mga proklamasyon, mga liham tagubilin, at iba pang mga pahayag tagapagpaganap na hindi salungat sa Konstitusyong ito ay mananatiling ipatutupad hangga't hindi sinususugan, pinawawalang-bisa, o pinawawalang-saysay. (Art. XVIII, Seksyon 3)
Status of International Law
Philippines
- EnglishThe Philippines renounces war as an instrument of national policy, adopts the generally accepted principles of international law as part of the law of the land and adheres to the policy of peace, equality, justice, freedom, cooperation, and amity with all nations. (Art. II, Sec. 2)
- FilipinoItinatakwil ng Pilipinas ang digmaan bilang kasangkapan ng patakarang pambansa, tinatanggap bilang bahagi ng batas ng bansa ang mga simulain ng batas internasyonal na kinikilala ng lahat at umaayon sa patakaran ng kapayapaan, pagkakapantay-pantay, katarungan, kalayaan, pakikipagtulungan, at pakikipagkaibigan sa lahat ng mga bansa. (Art II, Seksyon 2)