SEARCH DATABASE
The Global Gender Equality Constitutional Database is a repository of gender equality related provisions in 194 constitutions from around the world. The Database was updated in partnership with the International Bar Association's Human Rights Institute (IBAHRI) and with support from the Swedish International Development Agency (SIDA) and the Government of Japan. Experience its wealth and depth of information by starting your search now.
ABOUT 3 RESULTS
National Human Rights Bodies
Philippines
- EnglishThe Congress may provide for other cases of violations of human rights that should fall within the authority of the Commission, taking into account its recommendations. (Art. XIII, Sec. 19)
- FilipinoMaaaring magtadhana ang Kongreso para sa iba pang mga kaso ng paglabag sa mga karapatang pantao na dapat masaklaw ng awtoridad ng Komisyon, na nagsasaalang-alang sa mga rekomendasyon nito. (Art. XIII, Seksyon 19)
National Human Rights Bodies
Philippines
- EnglishThe Commission on Human Rights shall have the following powers and functions:
(1) Investigate, on its own or on complaint by any party, all forms of human rights violations involving civil and political rights;
(2) Adopt its operational guidelines and rules of procedure, and cite for contempt for violations thereof in accordance with the Rules of Court;
(3) Provide appropriate legal measures for the protection of human rights of all persons within the Philippines, as well as Filipinos residing abroad, and provide for preventive measures and legal aid services to the underprivileged whose human rights have been violated or need protection;
(4) Exercise visitorial powers over jails, prisons, or detention facilities;
(5) Establish a continuing program of research, education, and information to enhance respect for the primacy of human rights;
(6) Recommend to the Congress effective measures to promote human rights and to provide for compensation to victims of violations of human rights, or their families;
(7) Monitor the Philippine Government’s compliance with international treaty obligations on human rights;
(8) Grant immunity from prosecution to any person whose testimony or whose possession of documents or other evidence is necessary or convenient to determine the truth in any investigation conducted by it or under its authority;
(9) Request the assistance of any department, bureau, office, or agency in the performance of its functions;
(10) Appoint its officers and employees in accordance with law; and
(11) Perform such other duties and functions as may be provided by law. (Art. XIII, Sec. 18) - FilipinoDapat magkaroon ang Komisyon sa mga Karapatang Pantao ng mga sumusunod na mga kapangyarihan at mga gawain:
(1) Magsiyasat, sa kusa nito o sa sumbong ng alin mang panig, ng lahat ng uri ng mga paglabag sa mga karapatang pantao na kinapapalooban ng mga karapatang sibil at pulitikal;
(2) Maglagda ng mga panuntunan sa pamalakad, at mga tuntunin ng pamamaraan nito, at magharap ng sakdal na paglapastangan ukol sa mga paglabag dito nang naaalinsunod sa mga Tuntunin ng Hukuman;
(3) Magtakda ng angkop na mga hakbangin na naaayon sa batas para sa pangangalaga ng mga karapatang pantao ng lahat ng mga tao sa Pilipinas, at gayon din ng mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa, at magtakda ng mga panagkang hakbangin, at mga paglilingkod na tulong legal sa mga kulangpalad na ang mga karapatang pantao ay nilabag o nangangailangan ng proteksyon;
(4) Tumupad ng mga kapangyarihan sa pagdalaw sa mga piitan, mga bilangguan, o mga pasilidad sa detensyon;
(5) Magtatag ng patuluyang programa sa pananaliksik, edukasyon at impormasyon upang mapatingkad ang paggalang sa pagkapangunahin ng mga karapatang pantao;
(6) Magrekomenda sa Kongreso ng mabisang mga hakbangin upang maitaguyod ang mga karapatang pantao at maglaan para sa mga bayad-pinsala sa mga biktima, o sa kanilang mga pamilya, ng mga paglabag sa mga karapatang pantao;
(7) Subaybayan ang pagtalima ng Pamahalaan ng Pilipinas sa mga pananagutan sa pandaigdig na kasunduang-bansa hinggil sa mga karapatang pantao;
(8) Magkaloob ng immunity sa pag-uusig sa sino mang tao na ang testimonyo o ang pag-iingat ng mga dokumento o iba pang ebidensya ay kinakailangan o makaluluwag sa pagtiyak ng katotohanan sa alin mang pagsisiyasat sa isinagawa nito o sa ilalim ng awtoridad nito;
(9) Hilingin ang tulong ng alin mang kagawaran, kawanihan, tanggapan o sangay sa pagtupad ng mga gawain nito;
(10) Humirang ng mga pinuno at kawani nito nang naaayon sa batas; at
(11) Tumupad ng iba pang mga tungkulin at mga gawain na maaaring itakda ng batas. (Art. XIII, Seksyon 18)
National Human Rights Bodies
Philippines
- English(1) There is hereby created an independent office called the Commission on Human Rights.
… (Art. XIII, Sec. 17) - Filipino(1) Nililikha sa pamamagitan nito ang isang malayang tanggapan na tatawaging Komisyon sa mga Karapatang Pantao.
… (Art. XIII, Seksyon 17)