SEARCH DATABASE
The Global Gender Equality Constitutional Database is a repository of gender equality related provisions in 194 constitutions from around the world. The Database was updated in partnership with the International Bar Association's Human Rights Institute (IBAHRI) and with support from the Swedish International Development Agency (SIDA) and the Government of Japan. Experience its wealth and depth of information by starting your search now.
ABOUT 3 RESULTS
Employment Rights and Protection
Philippines
- EnglishThe State shall protect working women by providing safe and healthful working conditions, taking into account their maternal functions, and such facilities and opportunities that will enhance their welfare and enable them to realize their full potential in the service of the nation. (Art. XIII, Sec. 14)
- FilipinoDapat pangalagaan ng Estado ang mga kababaihang nagtatrabaho sa pamamagitan ng ligtas at nakapagpapalusog na mga kalagayan sa pagtatrabaho, na nagsasaalang-alang ng kanilang mga gawain bilang ina, at ng mga kaluwagan at mga pagkakataon na nagpapatingkad sa kanilang ikagagaling at ikagiginhawa upang matamo ang kanilang ganap na potensyal sa paglilingkod sa bansa. (Art. XIII, Seksyon 14)
Employment Rights and Protection
Philippines
- EnglishThe State shall afford full protection to labor, local and overseas, organized and unorganized, and promote full employment and equality of employment opportunities for all.
…
They shall be entitled to security of tenure, humane conditions of work, and a living wage. They shall also participate in policy and decision-making processes affecting their rights and benefits as may be provided by law.
…
The State shall regulate the relations between workers and employers, recognizing the right of labor to its just share in the fruits of production and the right of enterprises to reasonable returns on investments, and to expansion and growth. (Art. XIII, Sec. 3) - FilipinoDapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksyon sa paggawa, sa lokal at sa ibayong dagat, organisado at di organisado, at dapat itaguyod ang puspusang employment at pantay na mga pagkakataon sa employment para sa lahat.
…
Dapat na may karapatan sila sa katatagan sa trabaho, sa makataong mga kalagayan sa trabaho, at sa sahod na sapat ikabuhay. Dapat din silang lumahok sa mga proseso ng pagbabalangkas ng patakaran at desisyon na may kinalaman sa kanilang mga karapatan at benepisyo ayon sa maaaring itadhana ng batas.
…
Dapat regulahin ng Estado ang ugnayan ng mga manggagawa at mga employer, dahil sa pagkilala sa karapatan ng paggawa sa karampatang kaparte nito sa mga bunga ng produksyon at sa karapatan ng mga negosyo sa makatwirang tubo sa mga pamumuhunan, at sa paglawak at paglago. (Art. XIII, Seksyon 3)
Employment Rights and Protection
Philippines
- EnglishThe State affirms labor as a primary social economic force. It shall protect the rights of workers and promote their welfare. (Art. II, Sec. 18)
- FilipinoNaninindigan ang Estado na ang paggawa ay siyang pangunahing pwersang pangkabuhayan ng lipunan. Dapat nitong pangalagaan ang mga karapatan ng mga manggagawa at itaguyod ang kanilang kagalingan. (Art. II, Seksyon 18)