SEARCH DATABASE
The Global Gender Equality Constitutional Database is a repository of gender equality related provisions in 194 constitutions from around the world. The Database was updated in partnership with the International Bar Association's Human Rights Institute (IBAHRI) and with support from the Swedish International Development Agency (SIDA) and the Government of Japan. Experience its wealth and depth of information by starting your search now.
Status of International Law
- EnglishThe Philippines renounces war as an instrument of national policy, adopts the generally accepted principles of international law as part of the law of the land and adheres to the policy of peace, equality, justice, freedom, cooperation, and amity with all nations. (Art. II, Sec. 2)
- FilipinoItinatakwil ng Pilipinas ang digmaan bilang kasangkapan ng patakarang pambansa, tinatanggap bilang bahagi ng batas ng bansa ang mga simulain ng batas internasyonal na kinikilala ng lahat at umaayon sa patakaran ng kapayapaan, pagkakapantay-pantay, katarungan, kalayaan, pakikipagtulungan, at pakikipagkaibigan sa lahat ng mga bansa. (Art II, Seksyon 2)
Status of International Law
- EnglishThe Commission on Human Rights shall have the following powers and functions:
…
(7) Monitor the Philippine Government’s compliance with international treaty obligations on human rights;
… (Art. XIII, Sec. 18) - FilipinoDapat magkaroon ang Komisyong sa Mga Karapatang Pantao ng mga sumusunod na mga kapangyarihan at mga gawain:
…
(7) Subaybayan ang pagtalima ng Pamahalaan ng Pilipinas sa mga pananagutan sa pandaigdig na kasunduang-bansa hinggil sa mga karapatang pantao;
… (Art. XIII, Seksyon 18)
Status of International Law
- English
The Supreme Court shall have the following powers:
...
(2) Review, revise, reverse, modify, or affirm on appeal or certiorari, as the law or the Rules of Court may provide, final judgments and orders of lower courts in:
(a) All cases in which the constitutionality or validity of any treaty, international or executive agreement, law, presidential decree, proclamation, order, instruction, ordinance, or regulation is in question.
... (Art. VIII, Sec. 5) - Filipino
Dapat magtaglay ang Kataastaasang Hukuman ng sumusunod na mga kapangyarihan:
...
(2) Rebyuhin, rebisahin, baligtarin, baguhin, o patibayan sa paghahabol o certiorari, ayon sa mga maaaring itadhana ng batas o ng mga alituntunin ng hukuman, ang mga pangwakas na pagpapasya at mga kautusan ng mga nakabababang hukuman sa:
(a) Lahat ng mga usapin na ang konstitusyonaliti o baliditi ng ano mang kasunduang-bansa, kasunduang internasyonal o tagapagpaganap, batas, dekri ng pangulo, ordinansa, kautusang tagapagpaganap, proklamasyon, o regulasyon ay pinagtatalunan.
... (Art. VIII, Sec. 5)
Women’s Rights
- EnglishThe State recognizes the role of women in nation-building, and shall ensure the fundamental equality before the law of women and men. (Art. II, Sec. 14)
- FilipinoKinikilala ang Estado ang tungkulin ng mga kababaihan sa pagbuo ng bansa at dapat seguruhin ang saligang pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan. (Art. II, Seksyon 14)
Jurisdiction and Access
- English
The Supreme Court shall have the following powers:
...
(2) Review, revise, reverse, modify, or affirm on appeal or certiorari, as the law or the Rules of Court may provide, final judgments and orders of lower courts in:
(a) All cases in which the constitutionality or validity of any treaty, international or executive agreement, law, presidential decree, proclamation, order, instruction, ordinance, or regulation is in question.
...
(5) Promulgate rules concerning the protection and enforcement of constitutional rights, pleading, practice, and procedure in all courts, the admission to the practice of law, the Integrated Bar, and legal assistance to the underprivileged. Such rules shall provide a simplified and inexpensive procedure for the speedy disposition of cases, shall be uniform for all courts of the same grade, and shall not diminish, increase, or modify substantive rights. Rules of procedure of special courts and quasi-judicial bodies shall remain effective unless disapproved by the Supreme Court.
… (Art. VIII, Sec. 5) - Filipino
Dapat magtaglay ang Kataastaasang Hukuman ng sumusunod na mga kapangyarihan:
...
(2) Rebyuhin, rebisahin, baligtarin, baguhin, o patibayan sa paghahabol o certiorari, ayon sa mga maaaring itadhana ng batas o ng mga alituntunin ng hukuman, ang mga pangwakas na pagpapasya at mga kautusan ng mga nakabababang hukuman sa:
(a) Lahat ng mga usapin na ang konstitusyonaliti o baliditi ng ano mang kasunduang-bansa, kasunduang internasyonal o tagapagpaganap, batas, dekri ng pangulo, ordinansa, kautusang tagapagpaganap, proklamasyon, o regulasyon ay pinagtatalunan.
...
(5) Maglagda ng mga alituntunin tungkol sa pangangalaga at pagpapatupad ng mga karapatang konstitusyonal, pleading, practice, at pamamaraan sa lahat ng mga hukuman, pagtanggap sa practice bilang abugado, integrated bar, at tulong na pambatas sa mga kapuspalad. Ang gayong mga alituntunin ay dapat magtakda ng payak at di magastos na pamamaraan para sa mabilis na pagpapasyal sa mga usapin, maging magkakatulad sa lahat ng hukuman na magkakaantas, at hindi magbabawas, magdaragdag, o magbabago ng mga karapatang makabuluhan. Ang mga alituntunin ng pamamaraan ng mga tanging hukuman at mga kalupunan na mala-panghukuman ay dapat manatiling maybisa hangga't hindi pinawawalang-saysay ng Kataastaasang Hukuman.
... (Art. VIII, Seksyon 5)
Obligations of the State
- EnglishThe State values the dignity of every human person and guarantees full respect for human rights. (Art. II, Sec. 11)
- FilipinoPinahahalagahan ng Estado ang karangalan ng bawat tao at ginagarantyahan ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao. (Art. II, Seksyon 11)
Judicial Protection
- EnglishThe judicial power shall be vested in one Supreme Court and in such lower courts as may be established by law.
Judicial power includes the duty of the courts of justice to settle actual controversies involving rights which are legally demandable and enforceable, and to determine whether or not there has been a grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction on the part of any branch or instrumentality of the Government. (Art. VIII, Sec. 1) - FilipinoDapat masalalay ang kapangyarihang panghukuman sa isang Kataastaasang Hukuman at sa mga nakabababang hukuman na maaaring itatag ng batas.
Saklaw ng kapangyarihang panghukuman ang tungkulin ng mga hukuman ng katarungan na ayusin ang nangyayaring mga sigalot na kinasasangkutan ng mga karapatang nararapat hingin at ipatupad nang naaayon sa batas at pasyahan kung mayroon o walang naganap na lubhang pagsasamantala sa diskresyon na humantong sa kawalan o kalabisan sa hurisdiksyon sa panig ng alin mang sangay o instrumentalidad ng pamahalaan. (Art. VIII, Seksyon 1)
National Human Rights Bodies
- EnglishThe Congress may provide for other cases of violations of human rights that should fall within the authority of the Commission, taking into account its recommendations. (Art. XIII, Sec. 19)
- FilipinoMaaaring magtadhana ang Kongreso para sa iba pang mga kaso ng paglabag sa mga karapatang pantao na dapat masaklaw ng awtoridad ng Komisyon, na nagsasaalang-alang sa mga rekomendasyon nito. (Art. XIII, Seksyon 19)
National Human Rights Bodies
- EnglishThe Commission on Human Rights shall have the following powers and functions:
(1) Investigate, on its own or on complaint by any party, all forms of human rights violations involving civil and political rights;
(2) Adopt its operational guidelines and rules of procedure, and cite for contempt for violations thereof in accordance with the Rules of Court;
(3) Provide appropriate legal measures for the protection of human rights of all persons within the Philippines, as well as Filipinos residing abroad, and provide for preventive measures and legal aid services to the underprivileged whose human rights have been violated or need protection;
(4) Exercise visitorial powers over jails, prisons, or detention facilities;
(5) Establish a continuing program of research, education, and information to enhance respect for the primacy of human rights;
(6) Recommend to the Congress effective measures to promote human rights and to provide for compensation to victims of violations of human rights, or their families;
(7) Monitor the Philippine Government’s compliance with international treaty obligations on human rights;
(8) Grant immunity from prosecution to any person whose testimony or whose possession of documents or other evidence is necessary or convenient to determine the truth in any investigation conducted by it or under its authority;
(9) Request the assistance of any department, bureau, office, or agency in the performance of its functions;
(10) Appoint its officers and employees in accordance with law; and
(11) Perform such other duties and functions as may be provided by law. (Art. XIII, Sec. 18) - FilipinoDapat magkaroon ang Komisyon sa mga Karapatang Pantao ng mga sumusunod na mga kapangyarihan at mga gawain:
(1) Magsiyasat, sa kusa nito o sa sumbong ng alin mang panig, ng lahat ng uri ng mga paglabag sa mga karapatang pantao na kinapapalooban ng mga karapatang sibil at pulitikal;
(2) Maglagda ng mga panuntunan sa pamalakad, at mga tuntunin ng pamamaraan nito, at magharap ng sakdal na paglapastangan ukol sa mga paglabag dito nang naaalinsunod sa mga Tuntunin ng Hukuman;
(3) Magtakda ng angkop na mga hakbangin na naaayon sa batas para sa pangangalaga ng mga karapatang pantao ng lahat ng mga tao sa Pilipinas, at gayon din ng mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa, at magtakda ng mga panagkang hakbangin, at mga paglilingkod na tulong legal sa mga kulangpalad na ang mga karapatang pantao ay nilabag o nangangailangan ng proteksyon;
(4) Tumupad ng mga kapangyarihan sa pagdalaw sa mga piitan, mga bilangguan, o mga pasilidad sa detensyon;
(5) Magtatag ng patuluyang programa sa pananaliksik, edukasyon at impormasyon upang mapatingkad ang paggalang sa pagkapangunahin ng mga karapatang pantao;
(6) Magrekomenda sa Kongreso ng mabisang mga hakbangin upang maitaguyod ang mga karapatang pantao at maglaan para sa mga bayad-pinsala sa mga biktima, o sa kanilang mga pamilya, ng mga paglabag sa mga karapatang pantao;
(7) Subaybayan ang pagtalima ng Pamahalaan ng Pilipinas sa mga pananagutan sa pandaigdig na kasunduang-bansa hinggil sa mga karapatang pantao;
(8) Magkaloob ng immunity sa pag-uusig sa sino mang tao na ang testimonyo o ang pag-iingat ng mga dokumento o iba pang ebidensya ay kinakailangan o makaluluwag sa pagtiyak ng katotohanan sa alin mang pagsisiyasat sa isinagawa nito o sa ilalim ng awtoridad nito;
(9) Hilingin ang tulong ng alin mang kagawaran, kawanihan, tanggapan o sangay sa pagtupad ng mga gawain nito;
(10) Humirang ng mga pinuno at kawani nito nang naaayon sa batas; at
(11) Tumupad ng iba pang mga tungkulin at mga gawain na maaaring itakda ng batas. (Art. XIII, Seksyon 18)
National Human Rights Bodies
- English(1) There is hereby created an independent office called the Commission on Human Rights.
… (Art. XIII, Sec. 17) - Filipino(1) Nililikha sa pamamagitan nito ang isang malayang tanggapan na tatawaging Komisyon sa mga Karapatang Pantao.
… (Art. XIII, Seksyon 17)