SEARCH DATABASE
The Global Gender Equality Constitutional Database is a repository of gender equality related provisions in 194 constitutions from around the world. The Database was updated in partnership with the International Bar Association's Human Rights Institute (IBAHRI) and with support from the Swedish International Development Agency (SIDA) and the Government of Japan. Experience its wealth and depth of information by starting your search now.
ABOUT 6 RESULTS
Marriage and Family Life
Philippines
- EnglishWithin its territorial jurisdiction and subject to the provisions of this Constitution and national laws, the organic act of autonomous regions shall provide for legislative powers over:
…
(4) Personal, family, and property relations;
… (Art. X, Sec. 20) - FilipinoAng batayang batas ng mga rehiyong awtonomus, sa loob ng hurisdiksyong teritoryal nito at sa ilalim ng mga tadhana ng Konstitusyong ito at ng mga batas pambansa, ay dapat magtadhana ng mga kapangyarihang tagapagbatas sa:
…
(4) Mga ugnayang personal, pampamilya at pang-ari-arian;
… (Art. X, Seksyon 20)
Marriage and Family Life
Philippines
- EnglishThe State recognizes the sanctity of family life and shall protect and strengthen the family as a basic autonomous social institution. It shall equally protect the life of the mother and the life of the unborn from conception. The natural and primary right and duty of parents in the rearing of the youth for civic efficiency and the development of moral character shall receive the support of the Government. (Art. II, Sec. 12)
- FilipinoKinikilala ng Estado ang kabanalan ng buhay pampamilya at dapat pangalagaan at patatagin ang pamilya bilang isang saligang institusyong lipunan. Dapat nitong pangalagaan kapwa ang buhay ng ina at ang buhay ng sanggol sa sinapupunan mula sa paglilihi. Ang likas at pangunahing karapatan at tungkulin ng mga magulang sa pagmumulat ng kabataan para sa kahusayang sibiko at pagpapaunlad ng karakter na moral ay dapat tumanggap ng tangkilik ng Pamahalaan. (Art. II, Seksyon 12)
Marriage and Family Life
Philippines
- EnglishThe State shall defend:
(1) The right of spouses to found a family in accordance with their religious convictions and the demands of responsible parenthood;
(2) The right of children to assistance, including proper care and nutrition, and special protection from all forms of neglect, abuse, cruelty, exploitation and other conditions prejudicial to their development;
(3) The right of the family to a family living wage and income; and
(4) The right of families or family associations to participate in the planning and implementation of policies and programs that affect them. (Art. XV, Sec. 3) - FilipinoDapat isanggalang ng Estado:
(1) Ang karapatan ng mga mag-asawa na magpamilya nang naaayon sa kanilang pananalig na panrelihiyon at sa mga kinakailangan ng responsableng pagpapamilya;
(2) Ang karapatan ng mga bata na mabigyan ng kalinga, kasama ang wastong pagaalaga at nutrisyon at natatanging proteksyon sa lahat ng mga anyo ng pagpapabaya, pagaabuso, pagmamalupit, pagsasamantala, at iba pang kondisyong nakapipinsala sa kanilang pag-unlad;
(3) Ang karapatan ng pamilya sa sahod at kita na sapat ikabuhay ng pamilya; at
(4) Ang karapatan ng mga pamilya o ang mga asosasyon nito na lumahok sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga patakaran at mga programa na nakaapekto sa kanila. (Art. XV, Seksyon 3)
Marriage and Family Life
Philippines
- EnglishMarriage, as an inviolable social institution, is the foundation of the family and shall be protected by the State. (Art. XV, Sec. 2)
- FilipinoAng pag-aasawa, na di malalabag ng institusyong panlipunan, ay pundasyon ng pamilya at dapat pangalagaan ng Estado. (Art. XV, Seksyon 2)
Marriage and Family Life
Philippines
- EnglishThe State recognizes the Filipino family as the foundation of the nation. Accordingly, it shall strengthen its solidarity and actively promote its total development. (Art. XV, Sec. 1)
- FilipinoKinikilala ng Estado ang pamilyang Pilipino na pundasyon ng bansa. Sa gayon, dapat nitong patatagin ang kaisahan ng pamilyang Pilipino at aktibong itaguyod ang lubos na pag-unlad niyon. (Art. XV, Seksyon 1)
Marriage and Family Life
Philippines
- EnglishThe State shall protect working women by providing safe and healthful working conditions, taking into account their maternal functions, and such facilities and opportunities that will enhance their welfare and enable them to realize their full potential in the service of the nation. (Art. XIII, Sec. 14)
- FilipinoDapat pangalagaan ng Estado ang mga kababaihang nagtatrabaho sa pamamagitan ng paglalaan ng ligtas at nakapagpapalusog na mga kalagayan sa pagtatrabaho, na nagsasaalang-alang ng kanilang mga gawain bilang ina, at ng mga kaluwagan at mga pagkakataon na nagpapatingkad sa kanilang ikagagaling at ikagiginhawa upang matamo ang kanilang ganap na potensyal sa paglilingkod sa bansa. (Art. XIII, Seksyon 14)