SEARCH DATABASE
The Global Gender Equality Constitutional Database is a repository of gender equality related provisions in 194 constitutions from around the world. The Database was updated in partnership with the International Bar Association's Human Rights Institute (IBAHRI) and with support from the Swedish International Development Agency (SIDA) and the Government of Japan. Experience its wealth and depth of information by starting your search now.
ABOUT 6 RESULTS
Participation in Public Life and Institutions
Philippines
- EnglishThe right of the people and their organizations to effective and reasonable participation at all levels of social, political, and economic decision-making shall not be abridged. The State shall, by law, facilitate the establishment of adequate consultation mechanisms. (Art. XIII, Sec. 16)
- FilipinoHindi dapat bawalan ang karapatan ng sambayanan at ng kanilang mga organisasyon sa mabisa at makatwirang pakikilahok sa lahat ng mga antas ng pagpapasiyang panlipunan, pampulitika, at pangkabuhayan. Dapat padaliin ng Estado, sa pamamagitan ng batas, ang pagtatatag ng sapat na mga pamamaraan sa pakikipagsanggunian. (Art. XIII, Seksyon 16)
Participation in Public Life and Institutions
Philippines
- EnglishThe State shall protect working women by providing safe and healthful working conditions, taking into account their maternal functions, and such facilities and opportunities that will enhance their welfare and enable them to realize their full potential in the service of the nation. (Art. XIII, Sec. 14)
- FilipinoDapat pangalagaan ng Estado ang mga kababaihang nagtatrabaho sa pamamagitan ng paglalaan ng ligtas at nakapagpapalusog na mga kalagayan sa pagtatrabaho, na nagsasaalang-alang ng kanilang mga gawain bilang ina, at ng mga kaluwagan at mga pagkakataon na nagpapatingkad sa kanilang ikagagaling at ikagiginhawa upang matamo ang kanilang ganap na potensyal sa paglilingkod sa bansa. (Art. XIII, Seksyon 14)
Participation in Public Life and Institutions
Philippines
- English…
The spouse and relatives by consanguinity or affinity within the fourth civil degree of the President shall not during his tenure be appointed as members of the Constitutional Commissions, or the Office of the Ombudsman, or as Secretaries, Undersecretaries, chairmen or heads of bureaus or offices, including government-owned or controlled corporations and their subsidiaries. (Art. VII, Sec. 13) - Filipino…
Ang asawa at mga kamag-anak ng Pangulo sa dugo o sa relasyon hanggang ika-apat na antas sibil, sa taning na panahon ng kanyang panunungkulan, ay hindi dapat mahirang na mga Kagawad nga mga Komisyong Konstitusyonal, o ng Tanggapan ng Ombudsman, o mga Kalihim, mga Pangalawang Kalihim, mga taga-pangulo o mga puno ng mga kawanihan o mga tanggapan, kasama ang mga korporasyong ari o kontrolado ng Pamahalaan at mga subsidyan nito. (Art. VII, Seksyon 13)
Participation in Public Life and Institutions
Philippines
- EnglishThe State shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may be defined by law. (Art. II, Sec. 26)
- FilipinoDapat seguruhin ng Estado ang pantay na pag-uukol ng mga pagkakataon para sa lingkurang pambayan, at ipagbawal ang mga dinastiyang pulitikal ayon sa maaaring ipagkahulugan ng batas. (Art. II, Seksyon 26)
Participation in Public Life and Institutions
Philippines
- EnglishThe State recognizes the role of women in nation-building, and shall ensure the fundamental equality before the law of women and men. (Art. II, Sec. 14)
- FilipinoKinikilala ang Estado ang tungkulin ng mga kababaihan sa pagbuo ng bansa at dapat seguruhin ang saligang pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan. (Art. II, Seksyon 14)
Participation in Public Life and Institutions
Philippines
- English…
(6) The officers and men of the regular force of the armed forces shall be recruited proportionately from all provinces and cities as far as practicable.
… (Art. XVI, Sec. 5) - Filipino…
(6) Ang mga pinuno at mga tauhan ng regular na pwersa ng sandatahang lakas ay dapat rekrutin nang proporsyonal mula sa lahat ng mga lalawigan at mga lungsod hangga't maaari.
... (Art. XVI, Seksyon 5)