SEARCH DATABASE
The Global Gender Equality Constitutional Database is a repository of gender equality related provisions in 194 constitutions from around the world. The Database was updated in partnership with the International Bar Association's Human Rights Institute (IBAHRI) and with support from the Swedish International Development Agency (SIDA) and the Government of Japan. Experience its wealth and depth of information by starting your search now.
ABOUT 2 RESULTS
Electoral Bodies
Philippines
- EnglishThe Commission on Elections shall exercise the following powers and functions:
(1) Enforce and administer all laws and regulations relative to the conduct of an election, plebiscite, initiative, referendum, and recall.
(2) Exercise exclusive original jurisdiction over all contests relating to the elections, returns, and qualifications of all elective regional, provincial, and city officials, and appellate jurisdiction over all contests involving elective municipal officials decided by trial courts of general jurisdiction, or involving elective barangay officials decided by trial courts of limited jurisdiction.
Decisions, final orders, or rulings of the Commission on election contests involving elective municipal and barangay offices shall be final, executory, and not appealable.
(3) Decide, except those involving the right to vote, all questions affecting elections, including determination of the number and location of polling places, appointment of election officials and inspectors, and registration of voters.
(4) Deputize, with the concurrence of the President, law enforcement agencies and instrumentalities of the Government, including the Armed Forces of the Philippines, for the exclusive purpose of ensuring free, orderly, honest, peaceful, and credible elections.
…
(6) File, upon a verified complaint, or on its own initiative, petitions in court for inclusion or exclusion of voters; investigate and, where appropriate, prosecute cases of violations of election laws, including acts or omissions constituting election frauds, offenses, and malpractices.
… (Art. IX-C, Sec. 2) - FilipinoDapat tumupad ng sumusunod na mga kapangyarihan at mga gawain ng Komisyon ng Halalan:
(1) Magpatupad at mamahala sa pagpapatupad ng lahat ng mga batas at regulasyon na kaugnay ng pagdaraos ng halalan, plebisito, initiative, referendum, at recall.
(2) Gampanan ang eksklusibong orihinal na hurisdiksyon sa lahat ng mga hidwaan tungkol sa mga halalan, mga kinalabasan at mga katangian ng lahat ng halal na mga pinunong panrehiyon, panlalawigan, at panglungsod, at hurisdiksyong paghahabol sa lahat ng mga hidwaan na kinakasangkutan ng mga halal na pinuno ng bayan na pinasyahan ng mga hukuman ng paglilitis na pangkalahatan ang hurisdiksyon, o kinasasangkutan ng mga halal na pinuno ng baranggay na pinasyahan ng mga hukuman ng paglilitis na natatakdaan ang hurisdiksyon.
Ang mga desisyon, mga pangwakas na utos, o mga kapasyahan ng komisyon tungkol sa mga hidwaan sa halaan na kinasasangkutan ng mga katungkulang halal sa bayan at baranggay ay dapat na pangwakas, maipatutupad, at hindi maipaghahabol.
(3) Magpasya, matangi roon sa mga may kinalaman sa karapatan sa pagboto, sa lahat ng mga suliranin tungkol sa mga halalan, kasama ang pagpapasya sa bilang at kinalalagyan ng mga botohan, paghirang ng mga pinuno at mga inspektor ng halalan, at parerehistro ng mga botante.
(4) Magsugo, sa pagsang-ayon ng Pangulo, sa mga sangay at kasangkapang tagapagpatupad ng batas ng Pamahalaan, kasama ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, ukol sa tanging layuning matiyak ang malaya, maayos, malinis, mapayapa, at kapani-paniwalang halalan.
…
(6) Batay sa biniripikahang sumbong o pagkukusa nito, magharap ng mga petisyon sa mga hukuman ukol sa paglalakip o sa pagwawakasi ng mga botante sa rehistro ng mga kwalipikadong botante; siyasatin at, kung nararapat, usigin ang mga paglabag sa mga batas sa halalan, kasama ang mga kagagawan o pagkukulang na itinuturing na pandaraya, mga pagkakasala at masasamang gawain sa halalan.
... (Art. IX- K, Seksyon 2)
Electoral Bodies
Philippines
- EnglishThe Commission may, during the election period, supervise or regulate the enjoyment or utilization of all franchises or permits for the operation of transportation and other public utilities, media of communication or information, all grants, special privileges, or concessions granted by the Government or any subdivision, agency, or instrumentality thereof, including any government-owned or controlled corporation or its subsidiary. Such supervision or regulation shall aim to ensure equal opportunity, time, and space, and the right to reply, including reasonable, equal rates therefor, for public information campaigns and forums among candidates in connection with the objective of holding free, orderly, honest, peaceful, and credible elections. (Art. IX-C, Sec. 4)
- FilipinoAng pagtatamasa o pagsasagamit ng lahat ng mga prangkisa o permit para sa operasyon ng transportasyon at iba pang mga kagamitang pambayan, midya ng pahatiran o kabatiran, lahat ng mga kaloob, mga pribilehyong natatangi o mga konsesyong ipinagkaloob ng Pamahalaan o ano mang bahagi, sangay, o instrumentaliti niyon, kasama ang alin mang korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan, ay maaaring pangasiwaan at isaayos ng Komisyon sa panahon ng halalan. Layunin ng gayong pangangasiwa at pagsasaayos na matiyak ang timbang na pagkakataon, panahon, puwang, at karapatang sumagot, kasama na ang makatwiran at timbang na singil ukol doon sa mga kampanya at porum sa pagbibigay ng impormasyon sa madla ng mga kandidato sa layuning matiyak ang malaya, maayos, malinis, mapayapa, at kapani-paniwalang halalan. (Art. IX-K, Seksyon 4)