Search Database

The Global Gender Equality Constitutional Database is a repository of gender equality related provisions in 194 constitutions from around the world. The Database was updated in partnership with the International Bar Association's Human Rights Institute (IBAHRI) and with support from the Swedish International Development Agency (SIDA) and the Government of Japan. Experience its wealth and depth of information by starting your search now.

REFINE RESULTS
About 95 results

Women’s Rights

Philippines, English

The State recognizes the role of women in nation-building, and shall ensure the fundamental equality before the law of women and men. (Art. II, Sec. 14)

Philippines, Filipino

Kinikilala ang Estado ang tungkulin ng mga kababaihan sa pagbuo ng bansa at dapat seguruhin ang saligang pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan. (Art. II, Seksyon 14)

Limitations and/or Derogations

Philippines, English

The President shall be the Commander-in-Chief of all armed forces of the Philippines and whenever it becomes necessary, he may call out such armed forces to prevent or suppress lawless violence, invasion or rebellion. In case of invasion or rebellion, when the public safety requires it, he may, for a period not exceeding sixty days, suspend the privilege of the writ of habeas corpus or place the Philippines or any part thereof under martial law. Within forty-eight hours from the proclamation of martial law or the suspension of the privilege of the writ of habeas corpus, the President shall submit a report in person or in writing to the Congress. The Congress, voting jointly, by a vote of at least a majority of all its Members in regular or special session, may revoke such proclamation or suspension, which revocation shall not be set aside by the President. Upon the initiative of the President, the Congress may, in the same manner, extend such proclamation or suspension for a period to be determined by the Congress, if the invasion or rebellion shall persist and public safety requires it.
The Congress, if not in session, shall, within twenty-four hours following such proclamation or suspension, convene in accordance with its rules without any need of a call.
The Supreme Court may review, in an appropriate proceeding filed by any citizen, the sufficiency of the factual basis of the proclamation of martial law or the suspension of the privilege of the writ or the extension thereof, and must promulgate its decision thereon within thirty days from its filing.
A state of martial law does not suspend the operation of the Constitution, nor supplant the functioning of the civil courts or legislative assemblies, nor authorize the conferment of jurisdiction on military courts and agencies over civilians where civil courts are able to function, nor automatically suspend the privilege of the writ.
The suspension of the privilege of the writ shall apply only to persons judicially charged for rebellion or offenses inherent in or directly connected with the invasion.
During the suspension of the privilege of the writ, any person thus arrested or detained shall be judicially charged within three days, otherwise he shall be released. (Art. VII, Sec. 18)

Philippines, Filipino

Dapat maging Commander-in-Chief ng lahat ng mga sandatahang lakas ng Pilipinas ang Pangulo at, kailanma't kakailanganin, maaari niyang atasan ang nasabing mga sandatahang lakas na pigilin o sugpuin ang labag sa batas na karahasan, pananalakay, o paghihimagsik. Kung sakaling may pananalakay o paghihimagsik, kapag kakailanganin ng kaligtasang pambayan, maaaring suspindihin niya, nang hindi hihigit sa animnapung araw, ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus o ipailalim sa batas militar ang Pilipinas o ang alin mang bahagi nito. Sa loob ng apatnapu't walong oras ng pagkapahayag ng batas militar o pagkakasuspindi ng pribilehiyo ng writ of habeas corpus, ang Pangulo ay dapat magharap ng personal o nakasulat na ulat sa Kongreso. Maaring pawalang-saysay ng Kongreso, sa magkasamang pagboto, sa pamamagitan ng boto ng mayorya man lamang ng lahat ng mga Kagawad nito sa regular o tanging sesyon o tanging sesyon, ang nasabing pagkapahayag o pakasuspindi, na hindi dapat isaisantabi ng Pangulo ang pagpapawalang-saysay na iyon. Sa pagkukusa ng Pangulo, maaaring palawigin ng Kongreso sa katulad na paraan ang nasabing pagkapahayag o pagkasuspindi sa loob ng panahong itatakda ng Kongreso kung magpapatuloy ang pananalakay o paghihimagsik at kakailanganin ng kaligtasang pambayan.
Ang Kongreso, kung walang sesyon, ay dapat magsimula ng pagpupulong sa loob ng dalawampu't apat na oras kasunod ng nasabing pagpapahayag o pagsuspindi, alinsunod sa mga alituntunin nito na hindi na nangangailangang itawag.
Maaaring ribyuhin ng Kataastaasang Hukuman, sa isang nararapat na prosiding na iniharap ng sino mang mamamayan, ang kasapatan ng pinagbatayang pangyayari sa pagpapahayag ng batas militar o pagsususpindi ng pribilehiyo ng writ o pagpapalawig niyon at kinakailangang maglagda ng pasya nito tungkol doon sa loob ng tatlumpung araw mula sa pagkaharap nito.
Ang kalagayang batas militar ay hindi sumususpindi sa pag-iral ng Konstitusyon, ni hindi pumapalit sa panunungkulan ng mga hukumang sibil o mga kapulungang tagapagbatas, ni hindi nagpapahintulot sa pagbibigay sa mga sangay at hukumang militar ng hurisdiksyon sa mga sibilyan kung ang mga hukumang sibil ay nakapanunungkulan, ni hindi kusang nagsususpindi sa pribilehiyo ng writ.
Ang pagsupindi sa pribilehiyo ng writ ay dapat sumaklaw lamang sa mga taong isinakdal sa hukuman ng paghihimagsik o ng mga pagkakasalang likas o tuwirang kaugnay sa pananalakay. Sa panahong suspindido ang pribilehiyo ng writ, ang sino mang tao na dinakip o ipiniit sa gayon ay dapat ipagsakdal sa hukuman sa loob ng tatlong araw, kung hindi, dapat siyang palayain.
(Art. VII, Seksyon 18)

Citizenship and Nationality

Philippines, English

The following are citizens of the Philippines:
(1) Those who are citizens of the Philippines at the time of the adoption of this Constitution;
(2) Those whose fathers or mothers are citizens of the Philippines;
(3) Those born before January 17, 1973, of Filipino mothers, who elect Philippine citizenship upon reaching the age of majority; and
(4) Those who are naturalized in accordance with law. (Art. IV, Sec. 1)

Philippines, Filipino

Ang sumusunod ay mga mamamayan ng Pilipinas: (1) Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagkakapatibay ng Konstitusyong ito;
(2) Yaong ang mga ama o mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas; (3) Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at
(4) Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas. (Art. IV, Seksyon 1)

Citizenship and Nationality

Philippines, English

Natural-born citizens are those who are citizens of the Philippines from birth without having to perform any act to acquire or perfect their Philippine citizenship. Those who elect Philippine citizenship in accordance with paragraph (3), Section 1 hereof shall be deemed natural-born citizens. (Art. IV, Sec. 2)

Philippines, Filipino

Ang katutubong inianak na mga mamamayan ay yaong mga mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mga mamamayan. (Art. IV, Seksyon 2)

Citizenship and Nationality

Philippines, English

Philippine citizenship may be lost or reacquired in the manner provided by law. (Art. IV, Sec. 3)

Philippines, Filipino

Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas. (Art. IV, Seksyon 3)

Citizenship and Nationality

Philippines, English

Citizens of the Philippines who marry aliens shall retain their citizenship, unless by their act or omission, they are deemed, under the law, to have renounced it. (Art. IV, Sect. 4)

Philippines, Filipino

Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mga mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, nagtakwil nito. (Art. IV, Seksyon 4)

Jurisdiction and Access

Philippines, English

The Supreme Court shall have the following powers:
... (2) Review, revise, reverse, modify, or affirm on appeal or certiorari, as the law or the Rules of Court may provide, final judgments and orders of lower courts in:
(a) All cases in which the constitutionality or validity of any treaty, international or executive agreement, law, presidential decree, proclamation, order, instruction, ordinance, or regulation is in question.
... (5) Promulgate rules concerning the protection and enforcement of constitutional rights, pleading, practice, and procedure in all courts, the admission to the practice of law, the Integrated Bar, and legal assistance to the underprivileged. Such rules shall provide a simplified and inexpensive procedure for the speedy disposition of cases, shall be uniform for all courts of the same grade, and shall not diminish, increase, or modify substantive rights. Rules of procedure of special courts and quasi-judicial bodies shall remain effective unless disapproved by the Supreme Court.
… (Art. VIII, Sec. 5)

Philippines, Filipino

Dapat magtaglay ang Kataastaasang Hukuman ng sumusunod na mga kapangyarihan:
... (2) Rebyuhin, rebisahin, baligtarin, baguhin, o patibayan sa paghahabol o certiorari, ayon sa mga maaaring itadhana ng batas o ng mga alituntunin ng hukuman, ang mga pangwakas na pagpapasya at mga kautusan ng mga nakabababang hukuman sa:
(a) Lahat ng mga usapin na ang konstitusyonaliti o baliditi ng ano mang kasunduang-bansa, kasunduang internasyonal o tagapagpaganap, batas, dekri ng pangulo, ordinansa, kautusang tagapagpaganap, proklamasyon, o regulasyon ay pinagtatalunan. ... (5) Maglagda ng mga alituntunin tungkol sa pangangalaga at pagpapatupad ng mga karapatang konstitusyonal, pleading, practice, at pamamaraan sa lahat ng mga hukuman, pagtanggap sa practice bilang abugado, integrated bar, at tulong na pambatas sa mga kapuspalad. Ang gayong mga alituntunin ay dapat magtakda ng payak at di magastos na pamamaraan para sa mabilis na pagpapasyal sa mga usapin, maging magkakatulad sa lahat ng hukuman na magkakaantas, at hindi magbabawas, magdaragdag, o magbabago ng mga karapatang makabuluhan. Ang mga alituntunin ng pamamaraan ng mga tanging hukuman at mga kalupunan na mala-panghukuman ay dapat manatiling maybisa hangga't hindi pinawawalang-saysay ng Kataastaasang Hukuman. ... (Art. VIII, Seksyon 5)

Education

Philippines, English

(1) All educational institutions shall include the study of the Constitution as part of the curricula.
(2) They shall inculcate … respect for human rights, … teach the rights and duties of citizenship, … (Art. XIV, Sec. 3)

Philippines, Filipino

(1) Dapat maging bahagi ng kurikula ang pag-aaral ng Konstitusyon sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon. (2) Dapat nilang ikintal ang, ... paggalang sa mga karapatang pantao, ... ituro ang mga karapatan at mga tungkulin ng pagkamamamayan, … (Art. XIV, Seksyon 3)

Education

Philippines, English

The State shall give priority to education, ... (Art. II, Sec. 17)

Philippines, Filipino

Dapat mag-ukol ng prayoriti ang Estado sa edukasyon, … (Art. II, Seksyon 17)

Education

Philippines, English

Within its territorial jurisdiction and subject to the provisions of this Constitution and national laws, the organic act of autonomous regions shall provide for legislative powers over:
… (7) Educational policies;
… (Art. X, Sec. 20)

Philippines, Filipino

Ang batayang batas ng mga rehiyong awtonomus, sa loob ng hurisdiksyong teritoryal nito at sa ilalim ng mga tadhana ng Konstitusyong ito at ng mga batas pambansa, ay dapat magtadhana ng mga kapangyarihang tagapagbatas sa:

(7) Mga patakarang pang-edukasyon;
… (Art. X, Seksyon 20)